Aycanseeisyou
Hindi lahat ng matalino, naniniwala sa love.
Si Katherine Kaye Borromeo-PolSci 4th year, consistent PL lister, ka-orgs mate ni Andrius, at kilala sa campus bilang "sound system" dahil sa boses at bibig na walang preno.
Sa stage, siya ang reyna ng debate. Sa labas ng stage, siya ang babaeng nag-block ng kahit sino na magtangkang manligaw.
Motto niya: "Love is an illness to a woman with goals."
Pagod na siya sa mga lalaking sweet sa una, ghost pag nakuha na ang atensyon. Kaya lahat ng nagkakagusto sa kanya, automatic ignore.
Hanggang sa dumating si Zane Martinez-campus crush, Architecture 4th year, consistent PL din, at ang tanging tao na kayang makipagsabayan sa kanya sa debate.
Sa stage, kalaban. Sa likod, may kuryente.
Si Zane, persistent pero hindi clingy. Hindi niya pinipilit si Katherine. Pero sa bawat talo at panalo nila sa debate, mas lalong lumalapit siya.
Ang problema?
Ayaw magpaapekto ni Katherine. Focus siya sa goals niya. Para sa kanya, ang love = distraction.
Ang tanong:Paano kung yung taong dumating, hindi para sirain siya... kundi para i-prove na pwede ka pa ring magmahal nang hindi nawawala ang sarili mo?
"Hindi lahat ng love nakakasira. Minsan, may taong darating para pagalingin ka."
Ito ang kwento ni Katherine-
Ang babaeng ayaw maniwala sa love...
Hanggang sa makilala niya ang taong magpapabago ng isip niya.