RubelynMabuteee
I'm Sabrina Jeane Monfort, I have a twin sister, Si Sydney Jane, na kabaliktaran ko sa lahat ng bagay, siya maraming kaibigan, ako, loner, siya kikay, ako kimi, siya fashionista at palaayos, ako simple at baduy daw, at dahil don wala daw akong karapatang kumuha ng fashion designing kaya heto, nauwi ako sa fine arts, pagdedesign lang kasi ang common denominator namin ni Syd, and ipinagmamalaki kong mas may K ako sa kanya kaya nga hinihingi at ginagamit nya ang collections ko sa fashion mag ng pamilya ang PASYONISTA. Pati sa botique namin designs ko ang ginagamit but still her image is in front, ako? Patagong nagsasaya sa mga papuri at kasikatan ng designs ko, until mafed up ako sa kayabangan nya at nagdesisyon akong itigil ang pagbibigay ng designs ko sa kanya at doon nagsimula ang away naming dalawa.