Lwritesfeelings
"What the fuck?!" Yun ang iniisip niya at hindi ang mga aksyon ng mga kaibigan ko ng makita siya.
"Sir, nakakahiya po ata na hinila niyo po ako dito ng ganun. Ano po bang problema? Wala naman akong natatandaan na may ginawa ako para hilahin niyo ako pataas dito," Galit na ba siya? Mukhang hindi maganda ang ginawa ko.
"Aurora..I-I actually...Well you didn't do anything...but fuck! Yun na nga eh. Wala kang ginagawang nakaka-akit, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko na naisip kanina na na-andito sila, na mga kaibigan ko ang tsuma-tyansing sayo. I have no control when it comes to you, Aurora. I began to lose my control." Hindi kona kinakaya. Para na akong sasabog kanina ng nginitian niya ang mga kaibigan ko. Alam kong this is too much, but I don't have a care dahil ang akin ay dapat sa akin lang.
Labing apat na taon gulang pa lang si Aurora ng mawalan siya ng ina. Ang pagkaka-alam niya ay anak siya sa labas ng kaniyang ama kaya ni kahit isang dalaw ay wala siyang natamo dito. Ang kaniyang Lola Celia at kaniyang pinsan na babae nalamang ang kasa-kasama nito. Fourth year college na siya kaya halos ingat na ingat siya sa lahat ng kinikilos at desisyon niya sa buhay. Simula ng malaman ni Aurora ang totoong rason kung bakit siya nabuo dito sa mundo ay wala na siyang amor sa kahit sinong lalaki na dumadaan sa buhay niya. Hanggang sa makilala niya ang isang lalaki na nagpagulo ng paniniwala at damdamin niya. Alam niyang mali ngunit sabi nga nila, mas masayang gawin kapag alam mong bawal.
Meet Rodrigo Viztillan Sanchez, ang totoong panganay na anak ng mga Sanchez. Dahil sa kaniyang pagiging sopistikado at halos bansagan na 'clean-freak' ay nasanay ang mga taong ang kinikilala nilang panganay na anak ng mga Sanchez ay ang kapatid nitong si Roxanne Venice Sanchez. Mabait, masayahin at kilala ng lahat na kabaliktaran niya. Hindi naman iyon big deal para kay Drigo, kinasisiya niya pa ang ideya na iyon.