emmskafes
Hanz Zhimmer Kim, anak ng Chairman ng SASANGS GROUP, isang leading tech-company sa bansa. Dahil sa kanyang sakit sa Ulo, napag-isipan ng DANGS UNIVERSITY HOSPITAL sa tulong ng SASANGS EMPIRE na magsagawa ng isang operation project bilang pangontra sa pag-atake ng kanyang severe headache.
Isang EK-500 ang na-install sa loob ng kanyang utak bilang Artificial Brain Replacement upang magkaroon siya ng maayos na pag-iisip at komportableng sarili bilang kaisa-isang tagapagmana.
Pinangangatawan niya ang 'Soon to be CEO' pero sa kasalukuyan ay inihalal siya bilang COO ng buong SASANGS CORP. na naghahari bilang Philippines Top Company sa magkakasunod na taon.
Bagamat tagumpay ang nasabing operations, isang bagay ang natuklasang side effects makalipas ang ilang buwan at iyon ang tinatawag na Accidentally Artificial Intelligence na naiwang bakas sa loob ng kanyang utak.
ALL RIGHTS RESERVED
©EMMS KAFES ✨
PROPER CREDITS TO THE OWNER OF THE PHOTO BEING USED.