jugyeongcabrillas
Sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan ng 10 Mahinahon, binuo ang mga pangarap na kasing kulay ng bahagharing nakalutang sa ibabaw ng langit. Isang samahan na akala nila ay walang katapusan. Para kay Jaycee, ang Grade 10 ang pinakamasayang taon sa lahat. Hindi lang ito tungkol sa mga pagsusulit at projects, kundi ito ang taon kung saan ang bawat sulyap niya kay Chino - ang lalaking matagal na niyang hinahangaan - ay nagkakaroon ng bagong kahulugan.
Sa gitna ng asaran ng buong klase, mga seryosong usapan sa hallway, at ingay ng kanilang huling taon sa high school, may mga damdaming pilit itinatago ngunit unti-unting kumakawala. Hindi man nila normal na nasabi sa isa't isa ang nararamdaman, sa bawat kilos tulad ng mga titig at simpleng pagsulyap ay naging sapat na paalam.
Dahil sa 10 Mahinahon, ang pag-ibig ay parang isang pamilyar na kanta: kahit hindi mo alam ang lahat ng liriko, ramdam mo pa rin ang bawat nota. Saksi ang buong klase sa isang kwentong hindi kailangang isigaw para marinig. Bago matapos ang huling tugtog o sayaw ng kanilang kabataan, sapat na ang malaman na sa isang pagkakataon, naging "tayo" ang "ikaw at ako" sa loob ng isang taon.