Lleideara
Epistolary
Stand Alone
Date started: January 19, 2026
Date finished: ---
"Maglalaro tayo, kapag nahulog ka... talo 𝘬𝘢."
Isang lang naman ang gusto kong mangyari, ang makahanap ng paraan para maibsan ang pagkabagot sa loob ng bahay.
☑ Paghuhugas ng pinggan araw-araw.
☑ Pagwawalis kahit walang kalat.
☑ Pagdidilig ng halaman.
☑ Pagbabasa ng libro kahit hindi ko maintindihan.
☑ Panonood ng iba't ibang palabas.
Ano pa bang puwedeng gawin para lang malibang ko ang sarili ko?
Halos lahat na yata ng puwedeng pagkalibangan sa loob ng bahay nagawa ko na. Ang ibang gawain inuulit-ulit ko na lang, kaya nakakasawa na.
Gusto ko sana na magkaroon ng makausap sa araw-araw bukod sa pamilya at mga kaibigan ko, baka sakaling iyon ang maging solusyon sa pagkabagot ko.
Ang tanong... paano ako makakahanap ng bagong makakausap?