Zyron___
Sa St. Jude's University, lahat ng mata ay nakatuon sa mga "Elite Heirs" ng Business Department. Pero para kay Rylie, ang college life ay hindi tungkol sa parties o social status-ito ay tungkol sa pagiging perpektong successor ng kumpanya nila.
Everything was under control, hanggang sa isang morning class rush. Sa sobrang pagmamadali, nakabangga ni Rylie ang "Golden Boy" ng rival family nila. Walang sorry, walang lingon; iniwan lang siya nito sa sidewalk habang nagkakalat ang mga reviewers niya sa semento.
Doon nagsimula ang laro.
Hindi sila tinantanan ng tadhana. Mula sa pagiging mag-blockmates na laging inaasar ng buong klase, hanggang sa pagiging "forced partners" sa bawat activity, kailangang magtiis ng dalawang heirs na mortal na magkalaban. Lalo na nung unti-unti nang lumalabas ang tunay na intensyon ng mga magulang nila para sa kinabukasan ng kanilang mga kumpanya at ng kanilang mga puso.
Sa mundong puno ng deadlines at business deals, minsan hindi mo mapapansin na ang bawat bangayan ay isa na palang sign. Ang lahat ay bumabalik sa isang lugar kung saan sila unang nagkita isang streetlight na saksi sa lahat, at araw-araw nilang madadaanan hanggang sa pagtanda.
Saan kaya aabot ang kakayahan nilang panindigan ang kanilang mga pangalan? At ano pa kaya ang gagawin ng tadhana para mas lalo silang mapalapit sa isa't isa?