rylleid
Ayon sa mga naniniwala sa ideya ng paglalakbay sa nakaraan at hinaharap: hindi mo maaaring baguhin ang anumang nangyari o mangyayari pa, lalo na kung ayaw mong magdulot ito ng mas malalalim na suliranin o gulo-sakaling mabigyan ka ng pagkakataong maglakbay sa pagitan ng oras at panahon.
Isang paniniwala na hindi nasunod ni Elowen sa pagkakataong dumating nang hindi inaasahan-isang paglalakbay na nagbunga ng parehong lungkot at ligaya sa kanyang buhay.
Handa kaya siyang harapin ang mundong siya mismo ang nagbago?