RonaldoBalakid
Napakahirap maging isang teenager. Napagdaanan ito ng lahat ng mga magulang natin, mga guro natin, at lahat ng mga taong mas matanda pa sa atin. Madaming pagsubok ang nararanasan sa yugto ng pagiging teenager, at sa kasalukuyan, ito ang nararanasan ni Marc De Lara. Isang labing-pitong taong-gulang na lalaking nagsusumikap labanan ang araw-araw na giyera na nararanasan ng isang binata. Samahan si Marc sa kanyang buhay na punong-puno ng kalokohan, kapilyuhan, pag-aaral, pag-ibig, pamilya, at mga aral na dapat ipasok sa ating isip at puso.