Astro_Aura
Prologue: The Dimensional Veil
Sabi nila, ang mga Libra ang tagapangalaga ng balanse sa uniberso. Pero nang gabing iyon, handa kong isugal ang sarili kong grabidad. Sa likod ng mga digital na screen, may dalawang enerhiyang matagal nang nagpapakiramdaman. Si Sagittarius-isang naglalagablab na apoy, ligaw, at walang takot; at ako, ang hanging naghahanap ng direksyon.
Noong magpasya akong bumaba sa kanyang manipestasyon sa totoong buhay, alam kong may panganib. "Kung hindi mag-match ang aming mga vibration sa mundong ito, hahayaan ko na lang," bulong ng isip ko. Isang proteksyon sa sariling enerhiya.
Ngunit may ibang script ang tadhana. Dahil ang ligaw na bituin, biglang naging maamo nang tuluyang maglapat ang aming mga dimensyon.