teentine22
Dear Marco,
Kumusta ka na? It's been 3 years na pala simula nung maghiwalay tayo,pero I admit na mahal na mahal pa rin kita. Yes,I still love you.I miss you. I miss your smile,your laugh,your sweetness.I miss everything about you. I can't even imagine my life without you.Pero nandito na tayo,dumating na yung time na pinakakinatatakutan ko,yung pinakaayaw kong mangyare.Ang maghiwalay tayo.Ang dami kong tanong.Bakit? Bakit tayo umabot sa ganito? Ano bang problema? Hindi na ba natin maayos to? Kulang pa ba? Hindi pa ba ako sapat? Iniwan mo 'ko dahil sabi mo pagod ka na,sawa ka na sa relasyon natin. Alam kong hindi yun yung rason mo,akala mo ba hindi ko alam na may babae ka and worst is bestfriend ko pa.Bakit sa dinami rami ng babae diyan, bakit kay Camille pa.Bakit sa bestfriend ko pa.Ang sakit,sobrang sakit,lalo na nung makita ko kayang dalawa sa fountain.Our favorite place remember.Masaya kayong dalawa,nagtatawanan,nagkukulitan.I can see love in your eyes habang tinitingnan mo siya at alam ko,alam ko na hindi ko pa yun nakikita sa mahigit apat na taon nating relasyon at alam mo kung anong ikinagulat ko.Hinalikan mo siya at alam kung hindi lang yun isang ordinaryong halik,kundi isang totoong halik.Gusto ko kayong sugurin nung mga panahong yun,gusto kong magwala,kaya lang nanghina ako,nawalan ako ng lakas ng loob at umiyak na lang.
Pinapili kita kung siya ba o ako.Kahit na handa na ako sa isasagot mo,masakit pa rin pala kapag narinig mo na mismo,na hindi ikaw ang pinili ng taong mahal mo.Masakit kasi hindi ikaw ang first choice.