alvillareal
Apparently, My Friend Is Kaito Kuroba
May favorite anime character ako.
Si Kaito Kid.
Gwapo, matalino, sobrang dramatic-and isa siyang magician. Sa totoo lang, siya na yata ang definition ng perfect anime character para sa'kin.
One afternoon, habang mag-isa akong nakaupo sa swing sa playground, may isang pogi at mukhang mysterious na guy na biglang lumapit.
May ginawa siyang magic trick sa harap ko.
Then another one.
At dahil curious ako, napatingin ako sa kanya.
"Paano mo ginawa 'yon?"
Ngumiti lang siya.
"Secret."
Napailing ako. "Ang yabang."
Tumawa siya.
Eventually, nagpakilala rin kami sa isa't isa.
Ako muna ang nagsabi ng pangalan ko.
Then I asked him,
"Okay, ikaw naman. Anong pangalan mo?"
Sandali siyang tumingin sa'kin bago ngumiti.
"You probably won't believe me."
"Try me."
"Kaito Kuroba."
Natigilan ako.
...
Wait.
Kaito Kuroba?
As in Kaito Kuroba?
Hindi.
Impossible.
Siguro nagkataon lang.
...Right?