TheaBarreno
Ito ang kwento ng pag-ibig, sakripisyo, at mga lihim na hindi madaling ibunyag.
Si Axel Ezekiel Santiago, isang seaman na palaging lumalayo para sa pangarap ng kanilang pamilya. At si Yesha Gaile Dela Cruz, isang TLE teacher na piniling magpatuloy sa kanyang pag-aaral sa IT habang tinatahak ang buhay ng pagiging ina kay Ael Tristan.
Sa pagitan ng distansya at pananabik, lumalaban sila para sa kanilang pagmamahalan. Ngunit sa pagbalik ni Axel, hindi niya alam na may mga bigat na tinatago si Yesha-ang kanyang karamdaman, ang kanyang mga takot, at maging ang lihim na damdamin ng isang taong muling bumalik sa kanyang buhay: Michael Ramsey, ang kaklase niyang minsan niyang hinangaan.
Kasama ang mga kaibigan tulad nina Alex Andrea at John Zhel (JZ), mabubuo ang kwento ng pagkakaibigan, musika, at pagsubok sa katatagan ng kanilang relasyon. Ngunit sa gitna ng lahat, pipiliin ba ni Yesha na manatiling tapat sa pangakong binitawan, o may pagkakataon bang guluhin ng nakaraan ang kinabukasan nila ni Axel?
Isang kwento ng pag-ibig na sinusubok ng distansya, mga lihim, at tukso-kung saan palaging tinatanong ng puso: hanggang saan ka lalaban para sa pamilya at sa pagmamahal na tunay mong pinili?