its_ur_neyg
Waves of Pain | Sea Series 1
Si Alisha Katherine Aster Mondez O mas kilala bilang Ali ay ipinanganak ng dating mayor ng kanilang lugar. Masaya at perpekto na sana ang kanilang pamilya nang dumating ang hindi inaasahang pangyayari. Namatay ang kanyang pinakamamahal na ina ng dahil sa aksidente at ang kanyang ama naman ay iniwan sya, doon na rin nya nalaman sa kanyang tiyahin na anak lang pala sya sa labas at bumalik na ang kanyang ama sa totoo nitong pamilya.
Ilang taon rin ang lumipas, dala-dala pa rin ni Ali ang sakit na nararamdaman nya simula noong bata pa sya. Kailan man ay hindi na nya naramdaman pa muli ang tunay na saya, tuwa at pagmamahal. Ngunit, sa paglipat nya ng tirahan ay sa hindi inaasahan. . . nakilala nya ang isang lalaking ubod ng sungit ngunit may kabaitan rin naman.
Sa pagtatagpo ng kanilang landas, magugustuhan kaya nila ang isa't-isa? O mas magiging masakit pa ang pagdadaanan ni Ali kapag pumasok sya sa buhay ng lalaking nakikila nya? Will the man's actions make Ali feel again the joy, happiness, and love that she has lost? Or will the pain she feels continue to be like waves?
Is it Waves of Pain?
ITS_UR_NEYG