yse_liverary
Si Naeri "Nana" Roselle ay walking definition ng sunshine at chaos. Bubbly, super optimistic, at sikat na accident-prone, isa siyang typical college student na ang pinaka-worry lang ay pumasa sa exams at hindi madapa-dapa sa daan. Pero biglang nagbago ang lahat nang ipakasal siya sa isang estranghero para bayaran ang utang ng pamilya nila.
Ang mapapangasawa niya? Walang iba kundi si Azrael "Azi" Montenegro ang cold, ruthless billionaire na hari ng underworld. Kilala bilang "Heartless King," siya ang taong kinatatakutan ng lahat, strikto, at sanay na nasusunod. Para sa kanya, ang kasal na 'to ay business transaction lang at para hindi malaman ng mga kalaban ang tunay niyang plano. Inaasahan niya ay isang tahimik at masunuring asawa, pero ang nakuha niya ay si Nana.
Mula sa unang araw, nagbanggaan ang mundo nila sa nakakatawa at nakakakilig na paraan. Habang busy si Azi sa mga underworld wars, secret meetings, at mga delikadong misyon, si Nana naman ay abala sa pagre-decorate ng penthouse, pagsunog ng pagkain, at pagdadala ng kulay sa buhay na puro dilim lang ang alam. Sa kabila ng pagiging cold ni Azi, hindi niya mapigilan ang sarili na mahulog sa babae. Unti-unti, nagbago siya mula sa pagiging bossy, naging sobrang protective na asawa na handang wasakin ang mundo maprotektahan lang siya.
Habang inaayos nila ang magulo nilang relasyon, papalapit ang panganib. Gustong pabagsakin ang mga Montenegro, at natuklasan ng mga kalaban na ang pinakamahina at pinakamalakas na punto ni Azrael ay ang masayahing asawa niya.
Isang kwentong puno ng aksyon, intense romance, at tawanan, kung saan ang pinakakinatatakutang mafia boss ay matutuklasan na mas mahirap pa palang pamunuan ang mundo kaysa mahalin ang kanyang clumsy at makulit na wife.