HendrixStories
Mula sa 48th floor ng Skyline Tower, parang perpekto ang buhay ni Han Seojin. Heir siya ng isang malaking korporasyon, mayaman, at nakatira sa pinakamahal na tower sa buong Seoul. Para sa lahat, siya ang batang may lahat ng bagay na hindi kayang abutin ng iba.
Pero sa likod ng glass walls, hindi ganoon kaganda ang realidad.
May mga sugat siyang tinatago, mga gabing puro katahimikan at bigat ng expectations ng pamilya.
Dumating si Lee Jaehyun, bagong resident ng 47th floor. Matapang, pursigido, at may sariling sikreto mula sa nakaraan, isang sikreto na may kinalaman sa pamilya ni Seojin.
Sa pagtagpo ng kanilang landas, mabubuo ang koneksyon na puno ng tensyon, pagkamuhi, at unti-unting pagmamahal. Pero sa Skyline Tower, hindi lahat ng nakikita ay totoo. Bawat ngiti, may tinatago. Bawat sikreto, kayang magbasag ng salamin.
Dahil minsan... ang pinakamapanganib na kaaway ay nasa ilalim lang ng iisang bubong.