MoonlitArcher
Sa bawat sulok ng campus, pangalan ni Sebastian Akira Chen Reyes ang naririnig. Siya ang "Golden Boy"-gwapo, matalino, at popular. Lahat ay gustong mapalapit sa kanya... lahat, maliban sa isang tao.
Si Harper Elise Atarah Gomez Santiago ay tahimik, seryoso, at misteryosa. Para sa kanya, si Sebastian ay hangin lang-isang locker sa hallway, isang boses na hindi kailangang pakinggan. Habang ang buong school ay humahanga sa kanya, si Elise lang ang may lakas ng loob na tumalikod.
Sanay si Sebastian na laging panalo... pero paano mo mapapaamo ang isang taong hindi ka man lang pinapansin? "In a school where everyone knows his name, she pretends she doesn't."