Drent_dreams
Ten years old pa lang si Sovereigna Faye Fortun nang mangarap siyang maging missionary someday.
Simple lang ang pangarap niya noon. Gusto niyang maglingkod, mag-share ng gospel, at makatulong sa ibang tao na mas mapalapit sa Savior.
Years later, natupad niya ang pangarap na iyon.
She became Sister Fortun.
For eighteen months, she experienced the ups and downs of missionary life-pagtuturo, pagse-serve, homesickness, rejection, friendships, prayers, laughter, tears, at mga lessons na hindi niya kailanman makakalimutan.
At matapos ang mission, umuwi siyang with honor.
Pero ngayon, one year later, ibang klaseng journey naman ang hinaharap niya.
College.
New environment. New people. New responsibilities. New challenges.
At habang sinusubukan niyang hanapin kung ano ang susunod para sa buhay niya, bigla niyang natagpuan ang isang bagay mula sa nakaraan-ang lumang diary ng ten-year-old Faye.
Sa loob nito, nakita niya ang mga childish dreams, random thoughts, at isang simpleng sentence na nagpabalik sa kanya sa simula ng lahat:
"I want to be a missionary someday."
Napangiti si Faye.
Natupad na niya ang pangarap ng batang iyon.
Pero ngayon, may bagong tanong:
"Ano naman ang next dream ko?"
Dahil ang mission ay maaaring matapos, pero ang calling to serve, ang faith, at ang journey niya ay hindi kailanman natatapos.
This is the story of Sister Fortun-the girl who once dreamed of wearing a missionary name tag, and the young woman learning how to live her faith after taking it off. 🌸