ShadoncrisAksjers
Sollano Brothers #7
Calmer Charlie Sollano
Waynona Fama, the picture of perfection. A stunning influencer, model, and endorser na halos lahat ay naiinggit sa kanya. Sa mundo ng fame, doon lang siya nakakaramdam ng tunay na kasiyahan. Pero sa likod ng mga ngiti at spotlight, may takot siyang ayaw ipakita, ang mawalan ng kontrol sa sariling buhay.
Calmer Charlie ay isang lalaking lumaki sa sariling sikap, malayo ang loob sa pamilya, at puno ng insecurities na tinatago sa likod ng katahimikan. Isang hindi inaasahang encounter ang nagdikit sa mundo nilang magkaiba. At dahil desperada si Waynona na takasan ang kagustuhan ng mga magulang na ipakasal siya, ginamit niya si Calmer bilang fake boyfriend.
Pero habang tumatagal ang kasinungalingan, unti-unti ring nabubunyag ang madidilim na sikreto ng pamilya ni Waynona, at dumating ang araw ng kanyang downfall. At sa gitna ng lahat, handa pa rin kayang manatili si Calmer o iiwan si Waynona sa sarili niyang pagkawasak?