zobeyobey
Isa si Maria Shandi San Antonio sa mga taong patuloy na hinahanap ang tamang tao para sakan'ya.
Kahit alam niyang masasaktan ulit siya, hindi siya tumigil sa paghahanap.
Linggo-linggong may bago, araw-araw niloloko. Kahit tawagin siyang uhaw sa pagmamahal, wala siyang iniintindi.
Naniniwala siyang ang tunay na pagmamahal ay hinihintay, pero...... hanggang kailan?
Alam niyang masyado pa siyang bata para mag hanap ng lalaking para sakan'ya. Pero mas maganda daw kapag bata pa lang, naghahanap na ng tamang tao. 'Yon ang paniniwala niya.
Si Dan Matthew Tolentino ang isa sa nakakuha ng atensyon niya. Hinanap niya, Pero... nang mahanap na niya, meron na palang kapares.
Makukuha niya kaya ang atensyon ng lalaki, o hanggang tingin na lang sa malayo?
Matatawag niya kayang kaniya ang lalaki, o tanging pangalan niya na lang.
Saya na ba, o..... sayang nanaman?
Tama pa ba, o..... tama na?
Tuloy pa ba, o..... hinto na?