itsybitsyred
Ikaw at ako, pinagtagpo.
Nag-usap ang ating puso
Nagkasundo, nagsama habang buhay.
Iyan ang palaging kinakanta ni
Shania Lena Dela Cruz sa tuwing iniisip niya na sawi siya sa pag-ibig...
Nga ba?
Pero, wala pa rin siyang magagawa dahil mismo ang kanyang bespren (na lalaki), ay hindi binibigyang-pansin ang mga kilos na ipinapakita ni Len (Shania).
Manhid, noh?
"Bakit pa nga ba nabubuhay ang mga manhid dito sa mundo?!" sabi pa niya.
Ngunit-dahil kay Binibining Tadhana-umikot muli ang tahimik at payapang mundo ni Len at nagsimula muli ang pahina nang kanyang munting aklat ng buhay niya.
With a curious twist of fate, what can she do to make the impossible seem possible?
"Magbago man ang mundo, hinding-hindi ko makakalimutan ang munting kuwento na isinasalaysay ko para sa ating dalawa..."
-Shania Lena Dela Cruz