ChamelTurtoga
Isang babae na masasabi mong perpekto.Mayaman,mabait,masunuring anak,at syempre maganda.Mayaman ang kanilang pamilya at nagmamay-ari ng isa sa sikat na kompanya sa buong mundo.
May isang lalaking lubos niyang minahal na halos ialay na niya ang kanyang buhay para rito pero dahil sa isang trahedya,nagbago ang kanyang buhay.Marami ang nawala sa kanya.Ang kanyang pamumuhay,estado sa buhay at higit sa lahat ang kanyang mga alaala.Mga alaalang kanyang iniingatan.
Dahil sa nawalang alaala,nakatagpo siya ng lalaking nag-alaga,minahal siya ng lubos at nagpasaya sa kanya.Kalaunan ay natuto din siyang mahalin ito.
Pero paano kung magbabalik ang kanyang nakaraan?Sino kaya ang pipiliin niya?Ang nakaraan o ang kasalukuyan?