sheisthinker
I wonder who's the right guy for me? Palagi na lang kasi ako'ng naloloko! Well, alam ko naman na maganda ako, syempre sabi ng nanay at pati ng mga kaibigan ko, at aware ako ron! Pero bukod sa ganda, ano pa ba ang maipagmamalaki ko? Hmm... ay! Magaling rin ako mangilatis ng tao, ikaw ba naman halos maging shota mo na lahat ng mga gwapong lalaki sa barangay nyo kakahanap lang jan lintek na Mr. Right Guy na 'yan! Pero kahit na magaling ako sa part na yon ay naloloko pa rin ako, hindi naman ako matalino pero tanga talaga ako pag usapang pag ibig na.
Pero ngayon parang gusto ko na sumuko, nasan na ba kasi sya at bakit ang tagal nya? Natrafic ba sya? Baka naman natrafic pa sa ibang babae kaya hindi pa dumadating sa akin?O hindi naman kaya... baka naman ay wala talagang Mr. Right Guy na para sa akin? Hayss, okay sige iiyak na lang ako.
- Schena Raine Alcazar
Mr. Right Guy (Love Series #1)
sheisthinker