Naleeia_Maki
Si Zeeki Shimizu ay isang sikat na volleyball player mula sa America na napilitang iwan ang buhay na nakasanayan niya nang lumipat ang kaniyang pamilya sa Japan. Bilang isang exchange student sa Toō Academy, ang plano lang niya ay makapag-adjust sa bagong bansa, makapasok sa varsity team, at maipagpatuloy ang pangarap niyang makarating sa national stage.
Ngunit hindi niya inaasahan na sa unang linggo pa lamang niya sa paaralan ay makikilala niya ang isang lalaking ubod ng yabang, tamad, at nakakairita.
Si Aomine Daiki.
Ang Ace ng Toō Basketball Team.
Isa sa pinakamalalakas na basketball players sa buong Japan.
At isa ring taong unti-unti nang nawawalan ng saya sa sport na minsan niyang pinakamamahal.
Nakakatawa lang dahil pareho silang sikat sa kani-kanilang mundo.
Kilala si Zeeki sa international volleyball scene.
Kilala si Aomine sa buong Japan bilang dating miyembro ng Generation of Miracles.
Pero nang una silang magkita...
Wala silang ideya kung sino ang isa't isa.
***
Mula sa simpleng pagkakaibigan, magiging bahagi sila ng isa't isa sa panahong pareho nilang kailangan ng taong makakaintindi sa kanila.
Sa pagitan ng volleyball at basketball.
Ng tagumpay at pagkatalo.
Ng mga pangarap at responsibilidad.
Mabubuo ang isang koneksyong hindi nila inaasahan.
Ngunit habang papalapit ang Inter High at lumalalim ang kanilang samahan, kakailanganin nilang harapin ang mga hamon na hindi kayang lutasin ng talento lamang.
Dahil minsan...
Hindi sapat na magaling ka sa laro.
Kailangan mo ring matutunang buksan ang puso mo sa taong handang manatili kahit sa mga panahong gusto mo nang sumuko.
At kapag nagbanggaan ang dalawang mundong matagal nang umiikot sa magkaibang direksyon...
Ano kaya ang mangyayari?
"Two athletes. Two different courts. One unexpected story." - Aomine Daiki
"Sometimes, the person who changes your life isn't found on your side of the court... but on the one across from yours." - Zeeki Shimizu.