luvxiewrites
Gilded Hearts Series #1
Si Calliope Vale ay kilala bilang isang successful at eleganteng babae sa harap ng publiko-isang pangalan na hinahangaan ng media, brands, at industriya. Ngunit sa likod ng mga mamahaling ngiti, camera flashes, at perpektong imahe ay isang babaeng unti-unting nauubos sa buhay na matagal nang ipinili para sa kanya.
Nagbago ang lahat nang makilala niya ang makapangyarihang pamilya Vander sa isang gabi ng engrandeng gala, kung saan nalaman niyang napagdesisyunan na pala ng kanilang mga magulang ang magiging kinabukasan niya-isang arranged marriage kay Nicolai Damien Vander, ang malamig, mapangmata, at mahirap basahing tagapagmana ng Vander Corporation.
Sa bawat banggaan ng kanilang personalidad, matatalim na salita, at tensyon na pilit nilang tinatakasan, mas lalo nilang nakikita ang mga sugat na pareho nilang tinatago.
Habang pilit silang kinokontrol ng mundo ng kapangyarihan, pera, at obligasyon, unti-unti nilang natutuklasan na baka ang taong pinaka-ayaw nilang mahalin... ay siya ring taong pinaka nakakaintindi sa kanila.
Ngunit sa mundong ang pagmamahal ay parang isang kontrata lamang, kaya ba nilang piliin ang isa't isa bago tuluyang sirain sila ng mga buhay na hindi naman nila pinili?
Started: 08/24/25
Ended : 05/25/26