fyncey
Si Vallerien Porsa, isang babaeng puno ng pangarap; para sa pamilya, para sa sarili. Wala ibang ginagawa kung hindi ang mag-aral, maghanap ng pwedeng pagkakitaan, at patunayan na sa kabila ng bulok na sistema ng kaniyang bansa, may mararating siya; magtatapos at maiahon sa hirap ang kaniyang mga magulang at mga kapatid.
Babaeng puno ng dedikasyon at motibasyon. Sa kabila ng lahat ng hirap na pinagdaanan, hindi nagawang sumuko at ipagwalang bahala ang pangarap na matagal na niyang binubuo.
Pero sa kabila ng pag-aakalang mararating na niya ang tagumpay; may isang taong papasok sa buhay niya na aakalain niyang kasama sa tagumpay na natatamasa niya-sa isang iglap, wala na lahat-gumuho, at parang bumalik lang sa umpisa, kung saan kailangan niya muling simulan ang lahat.
Isang tanong lamang ang pumasok sa isip niya.
"Susuko na ba?"