humpiedumpie_
Sa isang paaralang nababalot ng misteryo, kung saan bawat sulok ay may tinatagong lihim, may limang binatang kinatatakutan ng lahat-Ace, Zeke, Quin, Ryu, at Dame. Sa Montclair University, sila ang itinuturing na mga anino ng kapangyarihan, tahimik ngunit walang sinumang makakalaban sa kanila.
Ngunit sa likod ng takot at respeto ng mga estudyante, lingid sa kaalaman ng karamihan, may mas malalim silang misyon-tuklasin ang katotohanang matagal nang nilulunod ng kasinungalingan. Dahil ang eskwelahang ito ay hindi isang ordinaryong institusyon, Isa itong pugad ng lihim.
Pero isang araw, dumating si Dahlia-isang misteryosong dalaga na walang nakakaalam kung saan siya galing. Walang records, walang bakas ng nakaraan. Ang kanyang presensya ang nagpakaba sa limang binata-hindi dahil sa takot, kundi dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam na may isang bagay siyang dala na maaaring gumulo sa kanilang mundo.
Ngunit paano kung ang inaakala nilang sisira sa plano nila ay magiging kakampi nila sa lahat? At paano kung sa paghahanap nila ng katotohanan, mas malalim at mas mapanganib pa pala ang madidiskubre nila?