SunlightYou
Sa bawat araw na dumaraan sa ating buhay, may liwanag na parating nakaantabay. Ngunit, naranasan mo na bang mamuhay sa kadiliman? Naranasan mo na bang mawala sa kaligayahan? Hindi ko alam kung may sinag pa bang makikita sa bawat araw na aking kinakaharap. Mahirap mabuhay sa mundo lalo na kung hindi mo kilala kung sino ang tunay na kakampi mo. Kaya hindi mawari kung kakayanin ko pa bang manatili dito, dahil sa bawat kahapon, ngayon at bukas, wala akong alam na patutunguhan. Pero bakit nagbago? Bakit nag-iba? Sino ka ba? Anong dahilan bakit ka nakilala? Anong rason bakit tayo pinagtagpo? Ako si Liway, ang babaeng gustong malaman kung ano ba ang halaga ko sa mundo. Ito ang kuwento ng buhay ko.