L1venture
Sierra Celesia Villanueva, o Elisa, ay isang guro sa elementarya na nagtuturo ng Literatura sa ika-4 na baitang at Sining sa ika-5 na baitang. Siya ay naging kasintahan ni Heneral Jeremias Diego Alcaraz sa loob ng anim na taon. Ngunit bigla na lamang tumigil si Diego sa pagpapadala ng mga liham kaya naputol ang kanilang komunikasyon. Kahit ganoon, patuloy na umaasa si Elisa na maririnig niya muli si Diego. Pagkalipas ng ilang panahon, ipinakilala siya ng kanyang ama kay Mateo Exequiel Almendrales, isang abogado na nagtapos sa Europa.