NightfallNarratives
Cold to the Touch
Sa mata ng lahat, si Krytal Mejes ay perpekto-
elegante, maganda, at emosyonal na hindi maabot.
Isang ice-cold queen na piniling maging malamig para manatiling ligtas.
Sa likod ng katahimikan niya ay ang mga taong tanging sila lang ang pinapayagan niyang makalapit:
Eliza Borromeo - matapang at prangka, laging nauuna sa gulo
Reich Alim - tahimik, mapagmasid, at puno ng hindi binibigkas na salita
Miguel Vergara - loyal at protective, may lihim na damdamin kay Eliza
Carmelle - classy at matalino, siya ang nagbabalik ng balanse sa grupo
Anton - palabiro pero seryoso kapag kailangan, tahimik na tagapagtanggol ni Krytal
Ngunit nabasag ang katahimikan nang Marco Masa pumasok sa eksena-
isang presensyang nagpasabog ng selos at galit.
Nagbanggaan ang damdamin nina Marco at Miguel,
at si Eliza ang naiipit sa gitna ng gulo.
Sa kabilang mundo, nariyan si Caprice Cayetano-
mahinhin, malambing, at tahimik na matapang.
Isang soft girl na may pusong laging nauuna sa iba.
Kasama niya ang mga kaibigang may kanya-kanyang sugat at lihim:
Ashley Sarmiento - ang ex ni Marco Masa, matatag sa labas pero basag pa rin sa loob
Rave Victoria - tahimik na nagmamahal kay Ashley, kahit alam niyang mahirap
Sofia - sweet at caring, may espesyal na koneksyon kay Allen
Heath - loyal at protective, may damdaming higit pa sa pagkakaibigan para kay Caprice
Hindi alam ni Caprice na may pusong nasasaktan sa tuwing ngumingiti siya.
At hindi niya alam na ang init niya ay unti-unting sumisira
sa mga pader ng isang babaeng gawa sa yelo.
Nagsimula sila bilang ganap na estranghero.
Walang ngiti. Walang usap.
Tanging tensyon at mga matang hindi umiilag.
Habang ang mga kaibigan ay nilalamon ng selos, nakaraan, at lihim na pagnanasa,
may dalawang pusong dahan-dahang nagtatagpo-
kahit pareho silang takot.
Dahil minsan,
ang pag-ibig ay hindi biglaan.
Ito'y dumarating nang marahan...
hanggang hindi mo na kayang pigilan.