angelabronzonPepito
Labing-isang espesyal na ahente-mga high-breed creatures na may taglay na pambihirang kakayahan at kapangyarihan-ang binuo sa ilalim ng Project Archangel. Upang maitago ang kanilang tunay na pagkakakilanlan, sumikat sila bilang mga modelo, mang-aawit, at kinikilalang Star Queen at Princess sa ilalim ng grupong Precious Jewel.
Ang kanilang pangunahing layunin: pigilan ang tangkang pagsakop ni Vladimir, ang tinatawag na Black Angel, wasakin ang kanyang masamang organisasyon, at wakasan ang pagkalat ng nakamamatay na Black Angel Drug. Nagbalik sila sa Pilipinas at nagtago sa loob ng Fendeltone Academy bilang mga guro at mag-aaral upang isagawa ang kanilang lihim na misyon.
Ngunit hindi nila inaasahan ang pagdating ng isang lalaking nagpapanggap na si Marco-ang kakambal ni V at ang itinuturing na minamahal ni Samantha. Hindi alam ng marami na ang tunay na nagpoprotekta sa dalaga, si Alexander, ay siya palang ang tunay na Marco. Itinago niya ang kanyang pagkatao dahil sa matinding takot: na balang araw ay lumakas ang halimaw na nakatago sa kanyang kalooban at sa huli ay masaktan o mapahamak pa niya ang mga taong kanyang pinakamamahal.