Izuvienne
Ito ay ang kwento ng mga Star Guardians, at kung paano nabuo ang kanilang grupo.
Noong isang gabi, may nilalang na kumausap kay Luxana Crownguard at kay Aria, at sinabi sa kanila na sila ay magiging Star Guardians. Ngunit, hindi nila agad naiintindihan ang tunay na pakay ng kumausap sa kanila, at dahil dito sila ay naging magkatunggali sa isa't isa. Sa huli, tinaggap nila ang alok at sinimulan na nila ang kanilang paglalakbay bilang Star Guardians.
Subalit, may nakalaban sila na tila-demonyo ang kanyang kapangyarihan. Sila ay natalo ng ito, at kung ano man ang rason, napunta sila sa mundo ng Earth. Ano ngayon ang kanilang gagawin para makabalik sa kanilang mundo? Paano sila mabubuhay sa mundo na hindi pangkaraniwan sa kanila?