starleighx_
"Paano kung ang mga kuwentong binabasa mo lang at puro mga kathang isip sa'yo... ay, biglang maging totoo?"
Sa murang edad, pasan na ni Louise ang responsibilidad na maging magulang at ate sa kaniyang pitong taong gulang na kapatid na si Lorraine. Matapos mawalan ng mga magulang dahil sa sakit, wala ni isa sa kanilang mga kamag-anak ang handang kumupkop o tumulong sakanila. Kaya natutunan ni Louise na harapin ang mundo nang sila lang dalawa.
Ngunit sa gitna ng tahimik at simpleng buhay nila, may isang pangyayaring tuluyang magbabago sa lahat.
Nagsimula ang lahat sa isang libro na hindi nya alam kung saan nang galing-hanggang sa may matuklasan siyang bagay na hindi niya kailanman inakalang posible. Isang misteryo. Isang sikreto. At isang mundong akala niya'y kathang-isip lamang.
ay, biglang magkaka totoo. paano kaya ulit sya makaka-balik sa totoong mundo?