NrJn12
Si Dr. Adrian Vale ay isang psychiatrist sa San Isidro Mental Health Facility-propesyonal, maalam, at respetado ng lahat. Ngunit may lihim siyang dala: high-functioning schizophrenia. Araw-araw, nakikipaglaban siya sa dalawang mundo-ang realidad ng trabaho at ang ingay ng isip niya.
Isang araw, dumating si Maya Alonzo, isang teacher na puno ng liwanag, empathy, at positive attitude, bilang volunteer sa pasilidad. Sa bawat ngiti at tahimik na presensya niya, unti-unting natututo si Adrian na magtiwala, magmahal, at maramdaman ang katahimikan na matagal niyang hinahanap.
Ngunit hindi biro ang pagmamahalan nila. Dalawang taon ng saya, galit, tensyon, at katahimikan. Dalawang taong puno ng alaala na hindi basta-basta malilimutan. At sa huli, may mga pangarap at realidad na kailangan nilang harapin nang mag-isa.
Isang kwento ng pagmamahal, mental health, at pagtanggap sa sariling sakit. Isang paglalakbay sa dalawang mundo-isa sa loob, isa sa labas.