solivagusjourney
Beneath the Old Tree
Magkaibigan simula pagkabata sina Lyra at Aiden-kasama sa tawanan, kwentuhan, at mga pangarap na isinilid sa ilalim ng isang lumang puno.
Isang lugar kung saan nagsimula ang lahat... at kung saan unti-unting naging komplikado ang lahat.
Habang lumilipas ang panahon, natutunan ni Lyra na mahalin ang taong ayaw niyang mawala.
Isang damdaming hindi niya kayang aminin, dahil baka isang salita lang ang kailangan upang masira ang matagal nang pagkakaibigan.
Paano kung magka-gusto ka sa kaibigan mo?
Aaminin mo ba, kahit may kapalit na panganib?
O itatago mo na lang ang nararamdaman, kahit masaktan ka sa tuwing nakikita mo siyang masaya sa iba?
Ngunit higit pa sa isang lihim na pag-ibig ang nakatago sa ilalim ng lumang puno.
Habang hinaharap ni Lyra ang sariling damdamin, unti-unti rin niyang nararamdaman na may kulang sa kanyang pagkatao-mga tanong na walang sagot, mga titig ng magulang na may tinatagong katotohanan, at isang nakaraan na hindi niya lubos na nauunawaan.
Sa pagitan ng pagmamahal at pagkakaibigan,
sa pagitan ng mga lihim at katotohanan,
kailangang pumili si Lyra-
alin ang mas masakit:
ang magmahal sa maling tao,
o ang mabuhay nang hindi mo alam kung sino ka talaga?
At doon, sa ilalim ng lumang puno-
kung saan nagsimula ang lahat-
doon niya muling haharapin ang mga sagot na matagal na niyang tinatakasan.