annalfornondiaz
Sina Gabriel, Emanuel, at Emilia ay tatlong magkakapatid na pinaghiwalay ng isang malupit na pagtataksil. Dahil sa matinding pagnanais ng isang kumadrona na maagaw ang kapangyarihan at makuha ang trono ng kanilang inang si Reyna Almira, inilibing sila sa kailaliman ng kagubatan at iniwan sa tiyak na kapahamakan. Ngunit hindi hinayaan ng Tadhana na tuluyang maglaho ang kanilang buhay. Sa gitna ng madilim at mapanganib na kagubatan, isang elepante ang nakatagpo sa magkakapatid. Sa halip na iwan sila, iniligtas at inalagaan sila nito. Sa paglipas ng mga taon, sa ilalim ng kanyang pagmamahal at pangangalaga, lumaki sina Gabriel, Emanuel, at Emilia na matatag, matapang, at may kakaibang kakayahang tila nagmumula sa kanilang mga buto-isang
Ano ang tunay na nangyari sa tatlong anak ni Reyna Almira? Sino ang kumadronang nagwasak sa kanilang pamilya? At paano nila matutuklasan ang katotohanan tungkol sa kanilang pagkatao at karapatan sa trono?
Tunghayan ang paglalakbay nina Gabriel, Emanuel, at Emilia habang unti-unti nilang binubunyag ang katotohanan at ipinaglalaban ang kanilang karapatang mabawi hindi lamang ang kanilang trono, at mailigtas ang kanilang in amula sa pagakakakulong.