euphoric_apricity
If people would ask Aeri, gusto niya lang makatapos sa pag-aaral at maging isang sikat na writer o kaya direktor. Wala naman na siyang balak na abutin pa dahil paggawa lang naman ng movie ang plano niya sa buhay. Pero siyempre, isa na rin sa plano niyang iyon ay makasama niya ang kaibigan niya sa mga gagawin niyang pelikula, o kaya naman ay maging kalaban niya naman sa industriya. Kahit ano, basta kasama si Primo.
Kung si Primo naman, ayos lang naman kahit hindi siya maging businessman. Wala, e. Kung hindi niya kukunin ang Arts and Social Sciences, hindi niya makakasama si Aeri.
Para siguro sa ibang tao, mahirap isipin na makakasama mo pa ang kaibigan mo hanggang pagtanda. Pero kina Aeri at Primo, iyon lang naman ang gusto nila-to succeed na kasama ang isa't isa. Pero hadlang ba ang pagkakaibigan nila sa pag-abot ng kanilang pangarap?