sunsh_inerei
Akala ni Iris Ramos, tahimik na ang magiging buhay niya sa bagong university. Wala na dapat bullying, drama, o sakit ng ulo.
Pero dumating si Kevin Cruz - ang pinaka-aroganteng lalaking nakilala niya. Sikat, gwapo, at ubod ng yabang. Worst part? Classmate niya ito... araw-araw.
Sa una, puro bangayan. Puro asaran. Pero habang tumatagal, napapansin ni Iris na may tinatago si Kevin sa likod ng mga mapang-asar niyang ngiti. At si Kevin, hindi rin inasahang matututo siyang magmahal sa babaeng minsan niyang tinuring na walang kwenta.
Mula sa matinding inisan, may unti-unting nabubuong koneksyon.
Hindi nila ginusto ang simula nila.
Pero paano kung ang pinaka-ayaw mong tao... siya rin pala ang magiging pinaka-importante sa'yo?