urzxcape
"We were never meant to touch. You were the skyline I could only look at from the ground, and I was the dirt you tried so hard not to step on."
Si Maddie Solene Morritte ay isang naghihikahos na psychology student at part-time medical aid. Nabubuhay siya para sa dalawang bagay: ang duguan nilang budget para sa chemotherapy ng kaniyang ina, at ang isang kupas na origami crane na iniwan sa kaniya ng isang estrangherong bata sampung taon na ang nakalipas.
Si Amari Sebastian Gomez ay ang kahulugan ng perpeksyon. Siya ang mayaman, matalino, at malamig na tagapagmana ng ospital. Ngunit sa likod ng kaniyang marangyang scrub suit, unti-unti na siyang nalulunod sa matinding pressure at takot na mabigo.
Nang magtagpo sila sa gitna ng isang gulo sa ospital, walang nakilala sa nakaraan. Ang mayroon lang ay ang malawak na agwat ng kanilang mga mundo.
Sa isang lugar kung saan ang lahat ng sugat ay pinipilit gamutin, kaya nga ba nilang tahiin ang distansya sa pagitan ng lupa at ng langit-o nakatadhana lang silang maging isang magandang simula na nagtapos sa halos?
"In medicine, they teach you how to stitch a wound. But how do you suture the distance between the earth and the sky?"