senpako
Hango sa totoong buhay ng isang babaeng nagmahal, nasaktan, nilinlang, nagpatawad, umiwas, muling bumalik at nagmahal. Tawagin natin siya sa pangalang Chloe Denniese De Guzman o chloe for short, 23 years old, isang empleyado sa isang savings bank dito sa Pilipinas. Tahimik, maganda, morena, malambing, mabait, matalino, at puno ng pangarap, mula sa probinsya ng Marinduque, nagtapos ng BS Business administration sa isang prestihiyosong unibersidad sa Laguna. Si Chloe ay ang pinakamamahal na babaeng anak nila Cors and Fredo De Guzman, pangalawa sa apat na magkakapatid. Pinalaki ng may disiplina at takot sa Diyos. Mula pagkabata ay maituturing na isang achiever sa pamilya katunayan nito ay ang mga parangal at medalyang natamo mula sa kanyang mga sinalihang mga paligsahan. Kaya nagsilbi siyang isang huwaran sa magkakapatid.
Ngunit sinong magsasabing si Chloe ay makakaranas ng isang kakaibang istorya sa pag ibig. Isa siyang kristiyano pero di akalain na makakapasok siya sa isang sitwasyong hindi na sakop ng kanyang prinsipyo sa buhay. Kahit na ang pinakamalapit na tao sa buhay niya ay walang nalalaman sa kanyang pinasok na sitwasyon. Sumugal para sa pag ibig. Pinangakuan, umasa, nagtiis at nasaktan. Ngunit natutong magpatawad at muling nagmahal.
Ito ang istorya niya.