Elizaldous
Ang mga nararamdaman hindi madaling itago, sa tuwing ipinikit ko ang aking mata tila ba ang mga ito ay isang nakakalasong gamot na nagsisimulang kumalat sa aking katawan na unti-unting nilalason ang aking pag-iisip. Sa pamamagitan ng mga tula aking nailalahad ang aking nararamdaman.
Maraming pangyayari ang nangyayari sa pang-araw-araw na pamumuhay sa mundong ito. Tayo ay napapalibutan ng mga bagay na puno ng hiwaga at katanungan. Mga bagay na hindi agad nauunawaan, subalit sa mata lapis ay nagiging larawan ng damdamin at guniguni. Sa bawat galaw ng oras, may mga lihim na isinusulat ng tadhana, at ako'y nagiging saksi sa mga ito hinuhubog sa taludtod, binibigyang-buhay sa bawat salita.
Ang aking mga tula ay hindi lamang simpleng himig ng damdamin, kundi mga piraso ng sarili kong kaluluwa na dahan-dahang inilalantad. Sa bawat berso, nakatago ang mga sugat, mga pangarap, at mga sigaw na hindi kayang bigkasin sa pang-araw-araw na usapan. Ito ang aking paraan ng pakikipag-usap sa mundong madalas ay hindi nakikinig."