quillofzara
"Ako ang Nagmahal, Siya ang Pinili"
Minahal ko siya sa paraang hindi ko na namalayang unti-unti ko nang inuubos ang sarili ko. Ako ang sumalo sa kanya nang siya'y wasak, ako ang nagpatuloy ng kwento niya noong iniwan siya ng mundo. Akala ko sapat na 'yon para piliin niya ako.
Pero bumalik siya.
At sa harap ng lahat, habang hawak ko pa ang alaala naming dalawa, nakita ko kung paanong pinili niya ang babaeng matagal nang wala-pero kailanma'y hindi niya nakalimutang mahalin.
Ako ang nagmahal.
Pero sa dulo, hindi ako ang pinili.