Altair-Hokulani
Siya si Astrid,panganay na anak at nasa sampung taong gulang palang.Simula noong bata pa lamang siya ay nakagisnan na niya ang kahirapan. Napakadukha ng kanilang pamilya at minsan nga natutulog silang tinitiis lang ang gutom. Lima silang magkakapatid at lahat sila ay walang ibang pangarap sa buhay kundi ang may makain sila sa araw araw. Oo, wala silang ibang pangarap hindi tulad ng ibang kabataan na pangarap maging doctor, pulis, engineer, teacher at kung ano ano pa. Tanging pangarap lang nila na makakain sila ng tatlong beses sa isang araw at matulog na hindi kumukulo ang sikmura dahil sa gutom.
Hanggang isang araw may dumating sa kanilang lugar na nagmula sa Manila isang mayamang pamilya. Ang anak ni Don Lucas na si Mariel. Nakapag asawa ng mayamang negosyante sa Manila at biniyayaan ng dalawang anak na lalaki. Mabait si Mariel pero kung gaano ito kabait ay ganon din ka salbahi ang isa8 nitong anak na si Kent. Panganay na anak ni Mariel at Oliver.
Muhing muhi si Astrid kay Kent dahil palagi siyang kinukutya nito na dukha sila.Awang awa siya sa kanyang sarili at tinatanong niya ang Diyos kung bakit ba siya ipinanganak na mahirap.
"Alam mo hija,sa mundong ito marami ang mang aapi sayo kung makita nilang magpapaapi ka.Pero kung ipakita mo sa kanila na hindi ka nila kayang apihin that's the time na mangilag na sila sayo.At darating ang time sa buhay mo na parang wala kang kakampi.Tatagan mo lang ang loob mo dahil tulad ng kahit ng anong bagay dito sa mundo ang lahat ng paghihirap ay tempory lang." yan ang tumatak sa isipan niya na sabi ni Ma'am Mariel nang isang araw ay iyak siya nang iyak dahil sa pangungutya ni Kent sa kanya.
Isinumpa niya sa sarili niya na maghihiganti siya kay Kent balang araw.Dahil sa pangyayaring 'yon ay nag iba ang pangarap niya sa buhay.Gusto niyang mag aral ng mabuti para may marating siya sa buhay.
Isang araw nagtagpo ulit ang kanilang landas ni Kent pero hindi na siya ang dukhang nakilala nito dati.