silentmover113
Ito ay hindi tula ng pag-ibig.
Ito ay tula ng pagbalik.
Sa takip-silim ng aking buhay -
yung oras na hindi ko alam kung araw pa ba o gabi na -
pinili kong hindi tumalon sa bangin.
Pinili kong maging tulay.
Hinugot ko ang sarili ko sa putik ng kahapon,
gamit ang kamay na minsan ko ring kinamuhian.
Tinahi ko ang pusong punit,
hindi ng karayom ng iba, kundi ng tibok na akin.
Kaya kung tatanungin: "Sino ang nagligtas sa'yo?"
Ituturo ko ang buwan sa langit,
ang ilog sa paanan,
at ang aninong nakatayo sa dapit-hapon -
.ay Ako.
na tinubos sa sariling kong pnanahon!