Felicisima
"To whoever finds this letter...
I am Shiela, yet I wear the name Ciela.
I awoke in a time that is not mine,
in a body that carries a life I do not remember.
If fate has brought me here,
then perhaps love... will be my way home."
*****
CIELA ay isang kuwento ng isang dalagang mula sa makabagong panahon na biglang nagising sa taong 1890, sa loob ng katawan ng isang babaeng kabilang sa marangal na pamilyang Principalia. Sa gitna ng marangyang kasuotan, mahigpit na kaugalian, at mapanuring lipunan sa ilalim ng pananakop ng mga Kastila, pilit niyang binubuo ang mga nawawalang alaala ng katawan na kaniyang kinabihagan.
Habang unti-unting nabubunyag ang mga lihim ng nakaraan-mga pagdukot, pagtataksil, at mga taong may kapangyarihang handang pumatay upang itago ang katotohanan-natagpuan din niya ang isang pag-ibig na ipinagbabawal ng panahon: isang tahimik ngunit masidhi, at maaaring maging dahilan ng kapahamakan.
Sa bawat hakbang niya, hinahanap niya hindi lamang ang sagot sa kung bakit siya napunta roon-kundi ang hustisyang matagal nang ipinagkait kay Ciela.