Cam_izeta
Hiling
SYNOPSIS:
Si Gyle ay isang college student na, isang araw, ay nakatanggap ng isang kakaibang libro matapos siyang bumili ng pulseras kasama ang kanyang mga kaibigan. Hindi niya alam kung bakit isinama iyon sa kanyang binili, o kung para saan ang libro. Pagdating niya sa bahay, naisipan niya itong basahin-at doon niya nalaman na isa pala itong journal ng isang dalaga noong 1926 na nagngangalang Maria Graciana de la Paz.
Wala naman siyang naramdamang kakaiba. Ngunit nang siya'y makatulog at muling magising, nagulat na lamang siya sa kanyang paligid. Wala na siya sa sarili niyang bahay, at ang mga taong dati niyang kasama ay napalitan ng mga mukhang hindi niya kilala. Hindi niya alam kung nasaan siya, kung paano siya napunta roon, at lalo na kung bakit.
Ang tanging hawak niya ngayon ay ang journal at ang mga lihim nitong tila may sagot sa kanyang pagkakagising sa isang panahong hindi kanya.
Disclaimer
This book is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.