Rainiaaa
Wala talaga sa plano ni Jen na magkagusto kay Clae.
Matangkad. Tahimik. Malamig. Laging nasa back row.
Samantalang siya? Maingay, chubby, at class secretary na palaging nasa harap.
Noong una, tukso-tuksuhan lang ng mga kaibigan.
Dineny niya ng paulit-ulit.
Pero habang tumatagal, parang mas lalo niyang napapansin si Clae - kahit hindi naman siya pinapansin pabalik.
Sa gitna ng quizzes, group activities, at kulitan ng tropa, unti-unting bumibigay ang puso ni Jen.
Hindi niya alam kung may chance siya.
Pero isa lang ang sigurado...
Ang mahulog sa taong akala mong imposibleng mapansin ka?
That's one Tall Order.