Namelessfelix
Sa isang imperyong ang bawat tao ay sinusukat ng ayon sa ranggo, at ang kapangyarihan ang tanging wika ng paggalang.
walang saysay ang dugong bughaw o maharlika kung wala kang lakas, kapangyarihan o kakayamang mamuno.
Ang isang hari na walang kapangyarihan... ay hari lamang sa pangalan.
Ngunit ang prinsesang ipinanganak na may ibayong kapangyarihan ay tinitingala ng karamihan.
Sa gitna ng intriga, pagtataksil, at digmaan para sa trono...
anong tadhana ang naghihintay sa kanila?
isang tadhanang hindi tiyak kung maghahatid ng pag-ibig o pagguho ng buong imperyo.
Sino ang maghahari?
at sino ang mawawala?