light_theory
Ang Dorm 313 ay isang silid na tila buhay, puno ng katahimikan ngunit hindi kailanman mapayapa, bawat pader ay nagdadala ng bigat ng mga lihim at panaghoy na tila ba nananatili sa hangin, nagpapabigat sa dibdib ng sinumang pumasok. Sa bawat sulok ay may bakas ng lumipas na trahedya, mga bitak sa kisame, gasgas sa dingding, at ilaw na palaging kumikislap na tila may nais iparating. Isa itong lugar na hindi basta tinutuluyan, kundi pinagtitibayan ng loob, sapagkat sa Dorm 313, hindi lahat ng nananatili ay nakakalabas nang buo.