MansanasTV
Isang lumang talaarawan ang magbubukas ng pinto sa nakaraan.
Noong taong 1906, lulan ng isang barko mula Hong Kong patungong Maynila, sinimulan ni Carlota ang pagsusulat sa kanyang diary na maglalaman ng kanyang mga lihim, pangarap, at pakikipagsapalaran sa bagong yugto ng kanyang buhay. Sa loob ng labing-apat na taon, ang mga pahinang ito ang naging piping saksi sa kanyang mga tapat na pagpili, matinding sakripisyo bilang isang nagmamahal, at sa unti-unting paglapit ng kanyang madilim na tadhana bago siya pumanaw noong 1920.
Ngayong muling natuklasan ang kanyang mga huling gunitang nakasulat sa ginto, malalantad ang isang kuwento ng pag-ibig at katapatan na pilit binura ng panahon.
Date Started: May 30, 2026
Date Finished: